Nina Mer Layson at Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon)
Hiniling ng militanteng grupong Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) kay Pangulong Noynoy Aquino na isailalim sa lifestyle check ang lahat ng military generals kasunod ng ginawang pagbubunyag sa Senado ni ret. Col. George Rabusa na nagkakamal ng salapi ang mga nagiging pinuno ng Armed Forces of the Philippines (AFP) mula sa budget ng military.
Ayon kay Renato Reyes, secretary general ng BAYAN, dapat din umanong tingnan ang asset o ari-arian nina retired Gens. Hermogenes Esperon, Generoso Senga at Delfin Bangit na nagsilbi sa ilalim ng administration ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.