By JB Salarzon, Abante Tonite Impiyerno ang hinasik na lagim ng isang kelot na nilayasan ng kanyang esmi at tuluyang naburyong makaraang magsaksak at silaban ang sarili hanggang sa 400 bahay pa ang nadamay at naabo sa DavaoCity kahapon ng madaling-araw. Sa ulat ng San Pedro Police, nagpakamatay ang isang Joselle Bautista, 35-anyos, isang sapatero ang nagpakamatay nang malamang iniwan ng kanyang misis, bandang alas-tres ng madaling-araw kahapon sa loob mismo ng kanilang bahay sa Barangay 31-D ng naturang lungsod. |