by Jun Tadios, Abante Tonite Pagkatapos ng sorpresang dagdag sa pasahe simula sa Miyerkules at sunud-sunod na oil price hike, isa pang makabutas-bulsang balita ang tiyak na magpapainit sa ulo ng mga Pinoy sa sandaling makumpirma ang ulat na dagdag singil sa tubig. Sa isang artikulo, sinabi ni Bagong Henerasyon (BH) partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy na posibleng gulatin ng water price hike ang publiko oras na isapubliko ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang napagkasunduang P3 per cubic meter water price increase. |