Sunday, January 23, 2011

PAGLIKIDA KAY VENZON PLANADO


By JB SALARZON, Abante Online
venzon mendiolaPlanado ang ginawang pagdukot at pagpatay sa car dealer na si Venson Evangelista, kung saan marami ang idinawit na nagtulung-tulong sa pagsagawa ng krimen -- mula carjacking, pagpatay at panununog sa bangkay ng biktima.

Ito ang nilalaman ng affidavit ni Alfred Mendiola, isa sa dalawang naarestong suspek na iniharap na kay Assistant Prosecutor Soliman Usman ng Quezon City Hall of Justice kamakalawa ng gabi. Kasabay ni Mendiola na iniharap sa korte si Batibot Parulan.
more