By Dindo Matining, Abante Tonite Nangyayari rin ang “pabaon system” sa mga opisyal ng Philippine National Police (PNP). Ito ang paniniwala ni Senadora Miriam Defensor-Santiago kung saan inihalimbawa nito ang kaso ng mga tinaguriang “Euro Generals” dahil sa kontrobersyal na biyahe sa Moscow, Russia noong 2008 kung saan naharang ang mga ito sa airport dahil sa hindi pagdedeklara ng mahigit 100,000 euros na dala ng mga ito. |