By JB Salarzon, Rose Miranda & Armida Rico Isang klase ng mortar round na kadalasang ginagamit ng teroristang grupo sa bansa ang itinanim at pinasabog sa loob ng Newman Goldliner bus na kumitil sa apat na buhay, naglagay sa kritikal na kondisyon sa isa pang pasahero at naging dahilan ng pagkasugat ng labing-apat pa, kahapon ng hapon, sa loading bay ng EDSA sa may Buendia, Makati City. Ang mortar round ay karaniwan umanong ginagamit ng mga teroristang Abu Sayyaf Group (ASG), Jemaah Islamiyah (JI), Al Khobar extortion group at mga rebeldeng Moro sa Mindanao. |