Monday, January 31, 2011

ACTIVE COLONEL BAGONG TESTIGO SA ‘PABAON’


by DMatining/BTaguinod, Abante Online
Isang active military colonel, na umano’y su­bordinate ni dating budget officer retired Lt. Col. George Rabusa ang magpapatunay pa na tumanggap nga ng P50 milyon pabaon si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Angelo Reyes.

Ayon kay Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, isang Col. Sonny Lim na umano’y kasama ni Rabusa sa tanggapan ng hepe ng comptroller noon na si Major General Carlos Garcia, ang susuporta sa testimonya ni Rabusa na tumanggap ng P50 milyon “send-off gift” noong magretiro ito noong 2001.
more