Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Tuesday, June 16, 2015

Azkals Panalo kontra Yemen sa World Cup Qualifiers - With VIdeo






Nasungkit ng Philippine Azkals ang ikalawang panalo matapos talunin ang bansang yemen sa score na 2-0 na ginanap sa Qatar Sports Club sa Doha para sa Russia 2018 Fifa World Cup Qualifiers, Martes ng Gabi.


Bumida si Misagh Bahadoran umiskor sa ika-52 minuto at dinagdagan ni Lain Ramsay sa 74th minute para silyuhan ang panalo. Sinubukan umiskor ng yemen ngunit sa matinding depensa ng Pilipinas hindi na nakayanan hanggang sa matapos ang boung laro.

Dahil sa panalo umiskor ang Philippine Azkals ng anim na puntos sa dalawang laro sa hanay ng group H para sa World Cup Qualifiers of Asia.

North Korea na kaparehong group H ay tinalo ang Uzbekistan sa Pyongyang at nasungkit ang ikalawang panalo.

Ang susunod na laro ay sa Setyembre 8 laban sa mas malakas na koponan na Uzbekistan (74th FIFA world rank). Ang laro ay Gaganapin dito sa Philippine Sports Stadium sa Bocaue, Bulacan.

Ang four best second placers sa walong qualifying group ang siyang papasok sa next round.

Watch GOALS! Bahadoran, Ramsay lead Azkals past Yemen