Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Tuesday, December 23, 2014

Traffic enforcer ng MMDA na kinaladkad ng SUV sa Cubao, pumanaw na






Binawian na ng buhay ang Metro Manila Development Authority (MMDA) constable na nabagok matapos kaladkarin ng isang sports utility vehicle (SUV) sa Cubao noong nakalipas na linggo.



PHOTO: MMDA officer na nakahilata sa bus lane sa Farmer's Cubao/Ceska Padilla

Habang naka-duty noong Disyembre 19, nabundol at kinaladkad ng sinitang pulang Isuzu Sportivo si Traffic Constable Sonny Acosta.

Ayon kay MMDA Chairperson Francis Tolentino, dakong alas-2:30 Martes ng hapon nang pumanaw si Acosta dahil sa cardiac arrest.


Sinagot ng MMDA lahat ng gastos ng biktima sa Saint Luke's Medical Center at legal expenses laban sa driver ng kotseng nakadisgrasya sa constable. Report from Henry Atuelan, Radyo Patrol 44

Source : DZMM