Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Friday, December 19, 2014

KORONADAL CITY 8 patay, 7 sugatan sa salpukan ng van vs. Everest sa Banga






KORONADAL CITY - NAGPAPATULOY ngayon ang imbestigasyon ng Banga PNP sa nangyaring salpukan ng L-300 van at isang Ford Everest pasado alas-2:00 kaninang hapon sa Crossing Kipot, Barangay Rizal, Banga, South Cotabato.

Source : 95.7 Brigada News FM Koronadal

Walo ang patay habang pito naman ang sugatan sa insidente.

Mula sa L-300 van, patay ang driver na si Rene Tablazon, residente ng Sto. Nino, South Cotabato, pasaherong si Lorna Nicor, residente ng T'boli at isang hindi pa nakikilala.

Sugatan din ang magkapatid na Rodelyn, 19 at Mae Tabara, 17, kapwa mga residente ng Purok Sto. NiƱo, Kudanding, Isulan, Sultan Kudarat; mag-amang Joven at Rose Nicor; at isang Laurence Jane Tampil.

Source : 95.7 Brigada News FM Koronadal


Mula naman sa Everest, patay ang driver na si Abdul Habib Daligdig; mag-inang sina Mae Joy at Leony Mae Panes, kapwa residente ng Agan East Phase III, Koronadal City; at Gladys Flang Dalidig ng Victory Homes Koronadal at isang hindi pa nakikilala.

Sugatan naman ang dalawang iba pa na sakay ng Everest na sina Akmad Macarambon, 45, ng Lanao at Kasig Dalidig, 60, residente ng Barangay Paraiso, Koronadal.

Source : 95.7 Brigada News FM Koronadal

Sa imbestigasyon ng Banga PNP, pagmamay-ari ni Andy Borinaga na residente ng Sto. Nino, South Cotabato ang UV Express L-300 van na may plate number MVV-270 habang pagmamay-ari naman ng isang Nonito Panes ang puting Everest na may plate number na NIB-794.

Sa inisyal na imbestigasyon, galing ng Banga ang van samantalang binabaybay naman ng Everest ang kahabaan ng highway galing sa bayan ng Surallah.
Um-overtake umano ang Everest at inagaw ang lane ng kasalubong na van na naging dahilan ng salpukan.

Source : 95.7 Brigada News FM Koronadal