Tuesday, December 2, 2014

Hagupit' posibleng maging supertyphoon; lakas aabot sa 240 kph sa Dec. 6


Pinangangambahan ng mga eksperto at maging sa ibang bansa na posibleng maging supertyphoon ang bagong bagyo na may international name na "Hagupit" o tatawaging "Ruby" kapag pumasok na sa Philippine area of responsibility (PAR) sa Huwebes ng hapon.


Sinasabing malaki pa kasi ang bwelo ng bagyo habang malayo pa sa karagatan.

Sa nakalipas lamang na anim na oras ay lalo pa itong lumakas.

Ayon sa state weather bureau na Pagasa, dalawa ang posibleng maging scenario para sa naturang bagyo.

Ang una ay ang posibleng pagtama nito sa Eastern Visayas, habang ang ikalawa ay ang pagtaas nito patungo sa Japan.

Ang Eastern Visayas ay una nang sinalanta ng supertyphoon Yolanda noong Nobyembre ng taong 2013.

Sa ngayon batay sa Pagasa huling namataan ang bagyo (as of 11pm) sa layong 1,825 km silangan ng Mindanao (6.3°N, 143.1°E).

Taglay nito ang lakas ng hangin na 105 kph malapit sa gitna at pagbugso ng hangin na umabot na sa 135 kph.

Kumikilos ang naturang sama ng panahon sa bilis na 30 kph patungo sa kanluran hilagang kanlurang direksyon.

Bahagya itong bumagal dahil kahapon ng hapon ay nasa 35 kph.


Continue Reading at : Bomboradyo