Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Tuesday, November 18, 2014

MAG-INGAT SA TAXI NA ITO! - modus operandi Exposed at NAIA






by : Marl Asiatico Nitura

Akala nya siguro eh OFW ako, habang nakasakay inilabas nya ang isang "laminated" na tarrif/rates. Sabi nya "Sir Dollar Rates tayo ha" at sabay abot nito. Sinakyan ko muna ang trip nya, nakita ko 55$ papunta ng Antipolo, sabi ko "ang taas nito manong... halos 2500 na ito sa Piso!" Sabay sabi may hati kasi daw ang mga guards ng NAIA.


Sabi ko "Bawal ang ginagawa nyo!, Regular taxi ka lang at walang accreditation, nanloloko kayo ng pasahero!" Sabay labas ko ng Media ID ko. Cool lang si Manong Driver at sinabi "Ibalik ko na lang kayo sa Airport, pasensya na sir". Pagbalik sa airport napansin ko na dire-diretso lang sya sa departure at hindi sinita ng mga guards. Pagbaba ko bumalik sya agad sa datng pwesto nya at nilapitan ng isang guard. Matagal silang nag-uusap at sa tingin ko kasabwat nya. Ng makasakay ako ng taxi after 15 mins naka-park pa rin cya dun kausap ang guard. Nilabas ko ang CP ko para kunan sila ng litrato. Dito na lumayo yung guard. Mag-ingat kayo sa mga ganitong raket sa airport. Sana pasyalan ito ng LTFRB.