Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Wednesday, June 25, 2014

UNTV Big 10 concert performers, haharanahin ang mga senior citizen sa World Trade Center bukas ng gabi






MANILA, Philippines — Isang natatanging pagharana na tatawaging “Big 10 concert“ ang inihanda upang aliwin at pasahayin ang mga kasambahay lalo na ng mga senior citizen.


Dahil espesyal ang concert para sa mga elder, pinaghahandaang mabuti ng Filipino classic folk rock singer at 70’s rock band lead vocalist na si Coritha ang kaniyang magiging performance bukas.

“Of course, they will be touched with our new version, at mararamdaman nila yung message ng song, which is really for the elderly and I’m sure many of them will cry”, pahayag ni Ms. Coritha.

Maging si Sheryl Cruz, excited na rin sa kanyang pag-awit sa 10th anniversary celebration ng UNTV.

“It’s really an honor to be part of the Big 10 UNTV anniversary tomorrow”. (Rosalie Coz, UNTV News)


Isa si Sheryl Cruz sa mga sikat na OPM singers na aabangan at makikibahagi sa Big 10 Concert ng UNTV 10th year anniversary sa World Trade Center, Pasay city bukas ng ala-7 ng gabi