Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Friday, February 21, 2014

Vhong Navarro itinanggi ang akusasyon sa panibagong rape case






Sa kauna-unahang pagkakataon, itinanggi ng kampo ni Vhong Navarro ang akusasyon ng babaeng nagsampa ng panibagong rape case laban sa host-actor.

Sa panayam ng DZMM, sinabi ni Atty. Alma Mallonga na "wala pong ginawang karahasan sa kanya si Vhong."


Tinutukoy ng abogado ng "It's Showtime" host si Roxanne Acosta Cabañero na nagsampa ng reklamong rape sa Pasig City Prosecutor's Office noong Miyerkules ng hapon. Abril 2010 umano nang maganap ang panghahalay.

Nilinaw naman ni Mallonga na hanggang ngayon hindi pa nila nababasa ang mismong kopya ng kaso na inihain ng kampo ni Cabañero.

Dagdag ng abogado, hindi naman itinanggi ng host na kilala niya si Cabañero.

Continue Reading at DZMM