Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Sunday, January 5, 2014

Floyd Mayweather Jr, itinanggi ang September fight nila ni Manny Pacquiao






Mariing itinanggi ni undefeated Floyd Mayweather Jr ang napabalitang kumpirmado na ang pagsasagupa nila ni eight --division world champion Manny Pacquiao.


Sinabi ni Mayweather, hindi totoo ang mga naglabasang impormasyon na done deal na ang pinakaabangan nilang bakbakan ng pambansang kamao sa Setyembre.

Sinabi rin ng undefeated boxer na hindi kailanman siya makikipag-negosasyon kay Bob Arum na siyang promoter ni Pacquiao.