Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Sunday, January 12, 2014

Butuan City, klase bukas suspendido






Ayon kay City Mayor Ferdinand Amante Jr., ito'y bunsod ng walang tigil na buhos ng ulan kung saan umabot na sa 15 barangay ang naepektuhan at mahigit 800 pamilya ang nasa sa ibat-ibang evacuation center nitong lungsod.


Sinabi ni Mayor Amante, nagpulong ang mga opisyal ng Department of Education (DepEd) Butuan City Division at City Disaster Risk Reducation and Management Council o CDRRMC at napagdesisyunang suspendihin ang klase bukas sa lahat ng preschool, elementary at highschool, maging pribado o pampublikong eskuwelahan.

Samantala mayroon naman pasok ang lahat ng mga empleyado dito sa lungsod ng Butuan.

Source Bomboradyo