Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Wednesday, December 18, 2013

Sa Magnitude 4.2 lindol naitala sa Binalonan, Pangasinan - Phivolcs






Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Pangasinan ngayong alas-10:46 ng gabi. Ayon sa Phivolcs, naramdaman ang sentro ng lindol sa layong 4 kilometro silangan ng Binalonan, Pangasinan at may lalim itong 70 kilometro.


Naramdaman din ang intensity lll na pagyanig sa Baguio City, Caloocan City, Dagupan City habang intensity II sa Quezon City, Pasig City, Gapan City, Pantabangan, Nueva Ecija at intensity I sa bayan ng Lucban, Quezon.

Wala pa namang natatanggap na ulat ng pinsala o nasaktan ang mga awtoridad sa silangan ng Binalonan, Pangasinan matapos ang lindol.