Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Thursday, December 19, 2013

OFW News : 3 Pinay, patay sa car crash sa Malaysia






Patay ang tatlong Pinay at tatlo pang dayuhan sa pagbangga at pagliyab ng sasakyan sa isang flyover sa Kampung Pandan, Malaysia nitong Miyerkules. 

Batay sa report ng state news agency na Bernama, kabilang pa sa mga nasawi ang isang lalaking Briton at dalawang babaeng taga-Myanmar.


Kinilala ang mga biktimang Pinay na sina Siso Aileen, 30-anyos; Maileen Tentative Montejo, 26; at Mary Grace Macaraig, 24.

Nawalan umano ng kontrol sa bahagi ng Kampung Pandan ang Nissan Skyline na sinasakyan ng anim, dahilan upang bumangga ito sa poste sa flyover at magliyab.

Agad namang narespondehan ang insidente ng Malaysian authorities.

Nasa Kuala Lumpur Hospital na ngayon ang labi ng mga biktima. Photo courtesy of The Star Online website (Malaysia)

Source DZMM NEWS