Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Wednesday, December 4, 2013

Miriam Defensor Tinawag na Sinungaling at kriminal si Minority Leader Juan Ponce Enrile






Mistulang bulkang suma­bog kahapon si Senator Miriam Defensor-Santiago matapos harapan nitong banatan si Se­nate Minority Leader Juan Ponce Enrile na tinawag niyang sinungaling at kriminal.

Sa 45-minutong privilege speech ni Santiago inisa-isa nito ang mga dati ng akusasyon kay Enrile katulad ng mga krimen na nagawa umano nito noong panahon ng Martial Law habang siya pa ang defense secretary ng bansa.


Ayon kay Santiago, sinungaling si Enrile lalo ng sabihin nito na inambush siya noong panahon ni da­ting Pangulong Ferdinand Marcos na naging basehan para ideklara ang Batas Militar.

“My attacker (Enrile) is the icon of shameless lying…The man is an incorrigible liar and criminal, as brought out by the litany of his crimes against the Filipino people,” sabi ni Santiago sa unang bahagi ng kanyang talumpati.

12.04.13 - [FULL] SENATOR MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO'


Samantala, kung maaalala sa kanyang privilege speech habang nakaharap si Enrile sa plenaryo, ibinulgar ni Santiago ang umano'y pagiging babaero ng dating pangulo ng Senado na umano'y pati ang kasambahay, cooks at assistant ay dinali.

Tinukoy pa ng senadora ang isa sa umano'y babae ng senador ay ang mismong dating chief of staff nito na si Atty. Gigi Reyes.

"His wife, Cristina, a socialite, walked out on him this month, after charging adultery. The 'other woman' is reported to be Gigi Gonzales-Reyes, chief of staff of his Senate office, and about 30 years his junior." Cristina was reported as saying "that she no longer could tolerate his chasing after other women, including domestic helpers, cooks, and assistants," ani Santiago.

Hindi rin pinalagpas ni Santiago ang umano'y pagiging mastermind ni Enrile sa multi billion peso pork barrel scam na kasabwat ay ang kontrobersiyal na negosyante na si Janet Lim-Napoles.

Continue reading at Bomboradyo , Philstar