Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Thursday, December 26, 2013

Lolo na nahuling namboboso, patay sa bugbog






PATAY sa bugbog ang isang lolo na nahuling namboboso sa boarding house sa Brgy. 8, Laoag. Kinilala ang biktima na si Rudy Lagundino, 60, tubong Brgy. Abaca, Bangui, Ilocos Norte.


Nabatid na nahuli ang biktima sa tangkang pamboboso sa isang boarding house kaya’t hinuli at inendorso ng mga barangay officials sa PNP Laoag.

Ngunit habang nasa PNP Laoag ay inireklamo ng matanda ang pagkahilo at ang sakit na nararamdaman sa katawan matapos aniya siyang bugbugin ng barangay chairman na si Ryan Bartolome.

Lumalabas sa awtopsiya na namatay nga sa bugbog ang matanda.

Inaalam pa kung sasampahan ng kaso ang nabanggit na nambugbog sa matanda.

Source : Remate News