Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Wednesday, December 11, 2013

LALAKE, ITINAKAS ANG BANGKAY NG ANAK SA MORGUE






Durog ang puso ko sa balitang ito

GMC | Itinakas ng isang ama ang mga labi ng kanyang dalawang taong gulang na anak sa isang ospital sa Malabon dahil sa takot na mai-embalsamo ang bata at wala rin daw siyang pampalibing dito. Ulat ni Joel Gorospe


Walang kaalam-alam ang hospital na itinakas ng tatay ang kanyang 2 taon na anak na namatay sa dehydration. Naaawa raw kasi siya sa anak niya na iembalsamuhin na sana. Maliban pa riyan, wala rin siyang pambayad at pampalibing kaya dinala niya sa Missionaries of Charities sa Tayuman dahil may nakapagsabi sa kanya na matutulungan raw ito sa libreng pagpapalibing.

Kaso, hindi siya pinapasok dahil dis-oras na ng gabi. Kaya naghintay nalang siya sa labas habang yakap yakap ang kanyang anak na malamig nang bangkay. Doon siya naabutan ng mga pulis at medya.

Sa tulong ng media, nakumbinsi siyang sumilong muna sa Jose Reyes Memorial at hintayin ang umaga para bumalik doon sa Missionaries of Charities.



Ito po ang video


Source : TV5