Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Tuesday, December 31, 2013

Isa ang patay at dalawa ang sugatan sa pagtatalo sa trapiko ng isang pulis at mga barangay tanod sa Parañaque City.






Isa ang patay at dalawa ang sugatan sa pagtatalo sa trapiko ng isang pulis at mga barangay tanod sa Parañaque City.

Batay sa inisyal na report Parañaque Chief of Police Ariel Andrade, sakay ng motorsiklo si PO2 Michael Davila, pulis ng Aviation Security Group kasama ang misis para mamili nang sitahin ng mga tanod dahil pumasok ito sa one-way na kalye.


Nagkaroon umano ng pagtatalo ang mga ito na humantong sa agawan ng baril ng pulis, na isang kalibre .9-mm.

Pinilit umanong pigilan ito ng misis ngunit naiputok na ang baril.

Nang makita na ng pulis ang kanyang misis na bumulagta, pinagbabaril niya ang mga tanod.

Dead-on-arrival sa ospital ang tanod na si Armando Concepcion.

Continue reading at dzmm.abs-cbnnews.com