Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Tuesday, November 12, 2013

NFA warehouse nag-collapse, 8 patay sa Alang Alang Leyte nang mag-agawan ng bigas






Nauwi na sa trahedya ang pagiging desperado ng mga survivors sa Leyte na makahanap ng pagkain kasunod ng pananalasa ng bagyong Yolanda.


Walo ang patay nang sugurin ng mga gutom na survivors ang warehouse ng National Food Authority sa bayan ng Alangalang upang kunin ang mga nakaimbak na bigas.

Sinabi ni NFA spokesman Rex Estoperez na gumuho ang pader ng warehouse sanhi upang mabagsakan ang walong katao na kaagad namatay.

Nabatid na hanggang ngayon marami pang lugar na naapektuhan ng bagyo ang hindi napasok ng relief teams dahil sa nakaharang na mga debris at natumbang mga puno kaya hindi pa rin nahahatiran ng supplies.


Source Bomboradyo