Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Wednesday, November 13, 2013

6 patay, 29 sugatan, matapos araruhin ng bus sa EDSA Makati






Patay ang anim katao matapos araruhin ng isang bus ang mga naghihintay na pasahero sa south-bound lane ng Edsa-Magallanes sa lungsod ng Makati.



Ayon sa mga nakasaksi, siksikan ang mga tao sa waiting shed bandang alas-6:40 ng umaga nang mawalan ng control ang Elena Liner bus at bumangga ito sa kinaroroonan ng mga pasahero.

Lima ang agad na binawian ng buhay matapos magtamo ng matinding sugat dahil sa pangyayari.

Isa naman sa mga sugatan ang nabigyan pa ng lunas ngunit bandang huli ay namatay din.

Umaabot naman sa 30 katao ang naitalang sugatan.

Source : Bomboradyo