Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Saturday, October 5, 2013

Ututin na Boyfriend






Binibisita ng boyfriend ang kanyang girlfriend. Kumain sila at umupo sa salas.

Marami ang nakain ng bf at kailangan niyang maglabas ng masamang hangin. Ngunit nahihiya siya sa gf niya. Pinigil ng bf ang pag-utot, pero hindi niya na ito nakaya.

PPOOOOOTTTTT!!!!!

Huminto ang bf sa paggalaw. Hiyang0-hiya siya at pulang pula ang mukha. Tiningnan niya ang gf niya.

Walang siya ang gf, pero biglang tinawag ang aso na nasa ilalim ng upuan ng bf.

“Rex, umalis ka nga dyan!”

Pero walang kilos ang aso. Nakahinga ng maluwag ang bf at inisip – “Hay salamat, akala niya yung aso ang umutot!”

Nag-chat sila, ngunit nakaraan ang ilang sandali ay napapa-utot muli ang bf dahil talagang ang dami niyang kinain. Hindi niya ulit ito napigilan.

PPPOOOOOOTTTTT!!!!

Kinabahan ulit ang bf at namula. Muling sinabi ng gf, “Rex, ano ka ba? Umalis ka dyan sabi eh!”

Wala paring kibo ang aso. “Hay salamat sa aso,” isip ng bf, “Akala niya ulit yung aso ang umutot.”

Nag-chat ulit sila, pero napapa-utot ulit ang bf at hindi niya ito napigilan.

PPPPOOOOOOOOTTTTTTTT!!!!!!

Tumayo ang gf “Rex! Umalis ka dyan baka mataihan ka!!!!”