Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Tuesday, October 29, 2013

Miami Heat defeat Chicago Bulls; 107-95






Muling pinatunayan ng NBA two-time defending champion Miami Heat na sila pa rin ang "team to beat" sa 2013-2014 season matapos talunin ang Chicago Bulls, 107-95.


Gumawa ng 17 points si LeBron James para pangunahan ang panalo ng koponan at pahiyain ang pagbabalik ni Derrick Rose.

Si Chris Bosh ay nagtala ng 16 points habang tig-13 points naman sina Dwayne Wade at Mario Chalmers para sa game opener.

Tinanghal namang best performer ng Bulls sa Carlos Boozer na mayroong 31 points habang nagkasya lamang sa 12 puntos si Rose.

Source : Bomboradyo