Saan ka makakakita ng mga taong isang kahig, isang tuka? Saan? Sa squatters area? Magtigil ka! Gusto mo’ng makakita ng mga taong isang kahig, isang-tuka? Sa Ortigas, sa Makati, may makikita ka.
Ang mga Chinoy, kahit hindi muna kumita o magnegosyo, mabubuhay ng maganda. Bakit po? Kasi many years ago, kumahig sila ng kumahig at tumuka lang konti. Kaya marami sa kanila ngayon, tuka na lang ng tuka. Maraming Pinoy, kapag hindi tayo kumahig, wala tayong tutukain.
Ito ang masakit–sometimes, kahit matanda na tayo, kahig pa rin tayo ng kahig. Gaano karaming Pilipino ang 60 years old na ay trabaho pa rin ng trabaho? Puwede ba, simula ngayon, kumahig ka nang kumahig at iwasan munang tumuka. I-deprive ang sarili ng kaunti.
Ang pinakamasakit sa lahat ay ito–one day, you want to work, but you cannot work. You are already old. Why? Nagpakasasa ka kasi noong bata ka pa. Inubos mo na lahat ng lakas at kalusugan mo sa bisyo.