Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Friday, May 24, 2013

Pacers Nasungkit ang Game 2 sa Heat 97-93; serye tabla sa 1-1






MIAMI - Naitabla ngayon ng Indiana ang Pacers ang serye sa 1-1 sa Eastern Conference finals matapos na pahiyain ang Miami Heat sa sarili nitong teritoryo, 97-93.


Nanguna sa opensa ng Pacers sina Roy Hibbert na may 29 points, Paul George na nagtala ng 22 points habang si George Hill ay nagbuslo ng 18 puntos.

Nagawang maharang ni David West ang dalawang pasa ng bola ni NBA MVP LeBron James para sa malaking turnover sa huling minuto ng laro.

Si James ay kumamada naman ng 36 points para sa bigong kampanya ng Heat, habang nag-ambag ng 17 points si Chris Bosh at 14 na puntos naman mula kay Dwyane Wade.

Sa first quarter pa lamang ng laro ay inalat na sa kanilang mga tira ang mga bata ni Filipino-American head coach Erik Spoelstra na umabot pa sa 13 points ang kalamangan ng Pacers.


Continue reading at bomboradyo