Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Monday, May 13, 2013

Manny at Jinkee Pacquiao Sure Win na






GENERAL SANTOS CITY - Naghihintay na lamang ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao ng kanilang proklamasyon.

Si Jinkee ay idideklara na bilang vice governor ng Sarangani province.

Ito ay dahil milya-milya na ang layo nito laban kay Eleanor Saguigit kung saan sinasabi pa ng iba na hindi na umano exciting ang laban.

Ang dating 8-division world champion ay walang kalaban bilang kinatawan ng Sarangani.

Samantala, pumapangalawa pa rin sa congressional race ng first district ng South Cotabato si Ruel Pacquiao na may 98,759 votes at nangunguna ang incumbent na si Rep. Jun Acharon na may 107,229 votes batay sa partial at unofficial votes.

Samantala, 97 percent election returns na ang na-transmit sa City Board of Canvassers sa lungsod.

Si Rivera na anak ng pinakamayamang negosyante sa lungsod ang nangunguna na may 92,432 votes habang si Darlene na anak ni MinDA Chairperson Lualhati Antonino ay may 78,226 votes.

Source : bomboradyo