Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Saturday, May 4, 2013

5-buwang buntis na babae, binaril sa Zamboanga






ZAMBOANGA CITY - Kasalukuyang nasa Intensive Care Unit (ICU) ng Zamboanga City Medical Center (ZCMC) ang limang buwang buntis na babae matapos mabaril sa may Barangay Camino Nuevo sa Zamboanga City.

Nagtamo ng tama ng bala ng caliber .45 pistol sa ulo si Nur-Aiza Sayadin, 25, ng Barangay Mariki ng lungsod.
Sa isinasawang imbestigyon ng pulisya, lumalabas na mismo ang dating mister ng biktima ang master mind sa tangkang pagpatay sa kanya.

Pinangalanan ng otoridad ang suspek na si Flordelito Daria Teves, tubong Siasi sa lalawigan ng Sulu.
Nabatid na gumamit ng isang hindi pa nakilalang suspek ang dating mister ng biktima na siyang bumaril dito.
Problema sa relasyon ng dating mag-asawa ang siyang tinitingnang anggulo ngayon ng pulisya.

Patuloy ang pagtugis sa dalawang suspek na posibleng natatago na umano sa lalawigan ng Sulu. (MRDS)

Source : Bomboradyo