Thursday, April 4, 2013

nuclear attack: binigyan na raw ng notice ang White House

SEOUL, South Korea - Naipaalam na umano ng North Korea sa Amerika ang balak na pagsagawa ng nuclear attack laban sa pinakamakapangyarihang bansa.


[Photos from www.dailymail.co.uk]

Sinabi ng tagapagsalita ng North Korean army, nagpadala na sila ng warning sa Washington, bagama't hindi malinaw kung saan ito idinaan ng Pyongyang dahil wala itong diplomatic ties sa Estados Unidos.

Ayon sa Pyongyang, ibinigay nito ang "go signal" sa kanilang military force na atakehin ang Amerika, dahil umano sa pagdeploy ng US ng naval at air assets sa Korean peninsula.

Kanina ay sinabi ng Hilagang Korea na ngayong araw o bukas maaring sumiklab ang giyera sa Korean peninsula, ngunit duda ang mga analysts kung may sapat na kakayahan ang North Korea na maglunsad ng nuclear attack laban sa Amerika at kaalyado nito.

Source - (Reuters,Bomboradyo)