Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Saturday, April 27, 2013

Knicks beat Celtics to take 3-0 lead






BOSTON - Pinahiya ng New York Knicks ang Boston Celtics matapos na tambakan sa Game 3 ng Eastern Conference playoffs. Dahil dito, namemeligrong tuluyang ma-sweep ng Knicks ang serye dahil abanse na sila ng 3-0.

Kapag nangyari ito ay maitatala ang isa sa greatest collapse sa NBA history at hindi makakausad sa second round ang Celtics.

Nagkataon pa na ang laro ay unang nangyari sa teritoryo ng Boston na ilang linggo pa lamang ang nangyari matapos ang madugong Boston marathon bombing.

Misyon sana ng Celtics na bigyan ng pampalubag loob na panalo ang mga Boston fans pero binigo sila ng Knicks.

Sa darating na Lunes posibleng tapusin na ng New York ang serye at kung sakali ay unang playoff series victory nila ito sa nakalipas na 13 taon.

Nanguna sa opensa ng Knicks si Carmelo Anthony na may 26 points

Source : Bomboradyo