Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Friday, March 15, 2013

UP freshman student, nagpakamatay dahil hindi makabayad ng matrikula






Nagpakamatay ang isang freshman student ng University of the Philippines (UP) Manila dahil umano sa kawalan ng pambayad ng matrikula.

Kinilala ang biktima na si Kristel Tejada, 16-anyos na 1st year sa kursong Behavioral Science

Nagpatiwakal ito kaninang alas-3:30 ng madaling araw sa pamamagitan ng pag-inom ng kemikal na panlinis ng silver accessories sa kanilang tahanan sa Abad Santos, Tondo, Maynila..

Nagawa pa umanong maisugod ang umuungol at may pulso pang si Kristel sa Metropolitan Medical Center sa UN Avenue ngunit hindi na ito nailigtas pa ng gma doktor.

Ayon kay Professor Andrea Bautista Martinez ng Department of Behavioral Sciences, panganay sa limang magkakapatid si Kristel.

Continue Reading at DZMMNEWS