Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Tuesday, March 5, 2013

Miami Heat, Nasungkit ang 15th-winning streaks kontra Wolves






MINNESOTA -- Napanatili pa rin ng Miami Heat ang kanilang winning streaks matapos ang panibagong panalo kontra Minnesota Timberwolves; 97-81.


Nagtala ng 32 points at 10 assists si Dwyane Wade para sa pang-15 magkasunod na panalo ng koponan.

Gumawa rin ng double-double si LeBron James sa kaniyang 20 points at 10 rebounds, habang 13 points naman para kat Ray Allen.

Sa panig ng Minnesota, tinanghal na best performer ng koponan si Derrick Williams na mayroong 25 points at 10 rebounds.

Ito na ang pang-anim na magkasunod na talo ng Wolves.

{Source}