Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Friday, March 22, 2013

Hold departure ni James ni-reject ng korte!, Kris at Bimby makakalipad pa-Europe






MANILA, Philippines - Makakaalis ng bansa ang mag-iinang Kris Aquino at Bimby kasama ang isa pang anak na si Joshua ngayong araw papunta ng Europe. Ito ay matapos ibasura ng Makati Court ang hinihiling na Hold Departure Order ng ex husband ni Kris na si James Yap.


Maalalang naghain ng HDO ang basketbolista laban sa kanyang mag-ina nang maglabas ang korte ng Temporary Protection Order laban sa kanya.

Bago ang desisyong ito ng korte ay nauna nang nag-isyu ng gag order ang korte laban sa magkabilang panig – kasama na ang kanilang mga abogado – si Atty. Frank Chavez para kay Kris at si Atty. Lorna Kapunan for James.

Dahil nga sa nangyari, maraming nalulungkot dahil wala na silang pagpipiyestahan dahil pinatatahimik na sila at bawal nang magkuwento tungkol sa mga nangyayari sa kanila.

Samantala, ayon sa isang showbiz observer baka raw ang pamamahinga ni Kris sa showbiz ay preparasyon na para sa pagpasok niya sa pulitika sa 2016.

Noon pa lumulutang na inihahanda si Kris sa 2016.

{source}