Tuesday, March 12, 2013

DOH warns public on soup made from fetus


NAGBABALA ang Department of Health (DOH) sa publiko na huwag tangkilikin ang soup number 7 na galing sa China dahil nagtataglay ito ng stem cell na nagmula sa aborted fetus.



Photos : ipscell.com

Ang babala ay kasunod ng naiulat na nakarating na sa bansa ang nasabing “soup” at ibinebenta na sa mga iligal na tindahan.

Ang naturang stem cell ay mula sa aborted fetus at inihahalo sa sabaw ng pagkain upang mapataas ang libido ng isang lalaking iinom nito.

Hiniling naman ng DOH na maghigpit ang kinauukulang ahensya ng pamahalaan para hindi maipuslit sa bansa ang nasabing “soup” na ibinebenta na rin dito sa bansa.

Ayon kay Dr. Myrna Cabotaje, DOH-Dagupan City regional director sa isang panayam, ilan lamang ang food and drug regulation officer na nag-iikot kaya naman nanawagan ito sa publiko na makipagtulungan sa kagawaran sakaling may na-monitor na gumagamit o nagtitinda ng nasabing soup.

Source : DOH