HOUSTON -- Tinalo ng Toronto rookie na si Terrence Ross si defending champion Jeremy Evans sa isinagawang All-Star slam-dunk contest.
Para masungkit ang titulo, lumundag ang 6-foot-6 na si Ross sa ibabaw ng ball boy at habang nasa-ere ay dinukot sa pagitan ng kaniyang mga hita ang bola bago ang one-handed slam sa ring.
Dahil sa nabanggit na stunt, nakakuha si Ross ng 58 percent na boto mula sa mga fans.
Kabilang sa mga nagsilbing judges sa first round ay sina former Houston Rockets Hakeem Olajuwon, Clyde Drexler, Dikembe Mutombo, Rudy Tomjanovich at Yao Ming. {Bomboradyo)