Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Sunday, February 3, 2013

OFW - DH sa Hongkong pinalakad ng nakaluhod






ILOILO CITY – Isang Filipina domestic helper sa Hong Kong ang paluhod na pinalakad ng kanyang amo habang nakataas ang kamay.

Sa ulat ni Miss Merly Bunda, news correspondent ng Bombo Radyo Iloilo sa Hong Kong, sinabi nito na bago ito nangyari ay tumakbo at nadapa ang dalawang taong gulang na batang inaalagaan ng Pinay na isang special child.

Dahil dito, nagalit ang kanyang amo at pinagbintangan ang Pinay na tinulak ang bata.

Pinaluhod nito ang Pinay at pinalakad mula sa tinakbuhan ng bata hanggang sa kung saan ito nadapa na tinatayang may apat na dipa ang layo.

Maliban dito, iniutos din ng amo sa Pinay na itaas ang kanyang kamay habang nakaluhod at humingi ng tawad.

Bunsod nito, nagdesisyon ang Pinay na mag-resign na lamang sa trabaho at ngayon ay nasa pangangalaga na ng isang grupo sa Hong Kong habang naghihintay na makakita ng bagong employer. ( Bomboradyo )