Hayagang tinawag ngayon ni Manila Vice Mayor Isko Moreno na political harassment ang ginawang pag-aresto sa kanila ng mga pulis kanina kasama ng lima pang mga konsehal ng lungsod.
Sinabi mismo ni Moreno na wala itong nakikitang mali at paglabag sa batas sa kanilang ginawang pamimigay ng bingo card.
Kaugnay nito, nakiusap ang bise alkalde na isailalim sila sa medical check up matapos na inaming nagtamo ang mga ito ng galos sa katawan dahil sa pwersahang pag-aresto sa kanila ng mga otoridad.
Inihayag pa ng opisyal na walang anumang paliwanag ang mga otoridad habang sila ay inaresto at ang tanging tugon sa kanila ay napag-utusan lamang.
Kaugnay nito, tiniyak naman ni dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada na bibigyan ng abogado ang kaniyang kasama sa partido na tatakbo sa lokal na pamahalaan ng Maynila.
"Ang ganda ng timing, Sabado. Hindi kami makapagpiyansa, baka sa Lunes na. In the mean time we are in the precinct. Dumating si Erap, natutuwa naman kami, nangako siyang padadalhan kami ng abogado" ani Isko.
Una rito, inaresto ang mga ito habang nasa bingo operation. {Bomboradyo}