Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Monday, February 4, 2013

Juan Manuel Marquez tila nagpapakipot sa Part V fight






MEXICO - Wala na umanong balak pang labanan ni Mexican boxing champion Juan Manuel Marquez si dating 8-division world champion Manny Pacquiao.


Ayon kay Marquez, wala na umanong saysay na labanan pa si Pacquiao sa ika-limang pagkakataon dahil nakuha na niya ang gusto niyang panalo sa Pinoy champion.

Komunsulta raw siya sa kaniyang mga kaibigan at nagkakaisa nilang sinabi na huwag ng labanan si Pacman.

"I think for me there is no point [in a fifth fight]. We already achieved the desired result. Then why do it? So I also asked several people, several friends that I have around me and they told me not to do it, that there is no point in a fifth fight. I said before the fourth fight that no matter how this fight ends, there can not be a fifth," wika ni Marquez.

Pero ayon sa mga boxing experts, tila nagpapakipot lamang ang Mexican boxer dahil ang Part V fight kay Pacman ay ang kaniyang pinakamalaking fight purse na matatanggap sa kaniyang career.

Source : Bomboradyo