Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Wednesday, February 6, 2013

Highlights Azkals vs Myanmar White Angels, 1-0






MYANMAR - Sa pangalawang pagkakataon, muling tinalo ng Philippine football team Azkals ang Myanmar White Angels, 1-0.


Tinalo ng Azkals ang White Angels sa katatapos na FIFA International friendly game na ginanap sa Yangon.

Sa pamamagitan ng assists ni Ian Araneta kay OJ Porteria, isang long-range shot ang nagawa nitong puntos sa ika-78 minuto ng laban.

Muntik pang masundan ni Araneta ang goal ni Porteria sa 81th minutes, ngunit offside lamang ito.

May pagkakataon pa sanang makapuntos ang Myanmar, pero nagawang depensahan ito ng star goalkeeper na si Neil Etheridge.

Kung maalala, tinalo ng Azkals ang Myanmar sa iskor na 2-0 noong AFF Suzuki Cup. (Bomboradyo)