Wednesday, January 2, 2013

Storm Signal No 1 sa 9 lugar - "Auring"

Nakataas na ngayon ang signal number 1 sa siyam na lugar na apektado ng masamang lagay ng panahon mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Ito'y matapos tuluyan nang mabuo ang kauna-unahang bagyo para sa taong 2013 at tinawag ito ng Pagasa bilang tropical depression Auring.

Itinaas na ng PAGASA ang Public Storm Warning Signal #1 sa mga sumusunod na lugar:

Luzon: Palawan

Visayas: Katimugang bahagi ng Negros provinces at Siquijor Island

Mindanao: Lanao Del Norte, Lanao Del Sur, Misamis Occidental, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur at Zamboanga Sibugay.

Huling namataan ang sentro ng bagyo base on satellite and surface data sa layong 50 kilometro sa kanluran ng Dipolog City.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kilometro malapit sa gitna.

Kumikilos ito ng pakanluran sa bilis na 28 kilometro kada oras o patungo sa pangkalahatang direksyon patungo sa Palawan.

Sa ngayon ay may dala itong hanggang 15 milimetro kada oras na ulan at may lawak na 250 kilometro sa diametro. (BomBoradyo)