Wednesday, January 9, 2013

Sri Lanka shocked by the execution of housemaid Rizana Nafeek by Saudi Arabian


Patay ang isang Sri Lankan domestic worker makaraang pinugutan ng ulo sa Saudi Arabia kung saan ito nagtatrabaho.


Kaugnay ito ng pagpatay umano ni Rizana Nafeek, sa kanyang inaalagaang apat na taong gulang pa lamang na sanggol noong taong 2005.

Muli namang umalma ang mga supporters ni Nafeek kasabay ng paggiit na paglabag sa international child rights ang sinapit ng nasabing kasambahay.

Nabatid na 17-anyos pa lamang si Nafeek nang mangyari ang krimen matapos umanong magkaroon ng pagtatalo si Nafeek sa kanyang amo.

Nag-alay naman ng ilang minutong katahimikan ang Sri Lankan parliament alay sa kanilang kababayan. (BBC), Bomboradyo