Saturday, January 26, 2013

Robbery sa SM Megamall FNC jewelry shop, 'Martilyo Gang' ang umatake


Iniimbestigahan na ng SM Mega Mall management at Mandaluyong City Philippine National Police (PNP) ang mga posibleng pagkukulang kaya nakalusot ang mga magnanakaw sa naturang gusali kagabi.


Magugunitang limang kawatan na hinihinalang miyembro ng "Martilyo Gang" ang tumangay na malaking halaga ng alahas sa FNC jewelry shop na nasa ground floor ng Building B ng mall.

Una rito, nagtakbuhan ang mga tao sa loob ng mall makaraang makarinig ng ilang putok ng baril bandang alas-7:00 ng gabi.

Sinabi ni S/Superintendent Florendo Quibuyen na nagmula ang dalawang putok sa panig ng mga kawatan upang makalikha ng komusyon at makatakas sa mga humahabol na gwardya.

Continue Reading at Bomboradyo