LOS ANGELES -- Maliban kay Mexican ring veteran Juan Manuel Marquez, nakatanggap na rin umano ng $10-million offer ang Team Pacquiao para lamang matuloy ang nilulutong Part V showdown ng dalawa sa Abril.
Kinumpirma ni trainer Freddie Roach na mismong siya ang naka-usap ng caller mula sa Dubai para iparating ang nabanggit na "multi-million dollar offer."
“I got a phone call from someone in Dubai on Monday, who offered $10million (Dh37m) for Manny to fight there in April,” ani Roach.
Maalala na una na ring isinantabi ng kampo ni Marquez ang $15-million offer ng prinsipe ng Dubai para kalabanin si WBF junior welterweight champion Zolani Marali.
Continue reading at Bomboradyo