Wednesday, January 23, 2013

Naaresto na ang founder ng Aman Futures Group Philippines Inc. na si Emmanuel Amalilio.


Naaresto na ang founder ng Aman Futures Group Philippines Inc. na si Emmanuel Amalilio. Ayon sa isang mapagkakatiwalaang opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI), natimbog sa pamamagitan ng International Police (Interpol) si Amalilio sa Kota Kinabalu, Malaysia.

Tutulak doon ang grupo ng NBI para kunin ang suspek at mapanagot sa libo-libong investors na naloko sa Pilipinas.

Matatandaang sa Malaysia nagtago si Amalilio matapos masangkot ang kanyang kumpanya sa P12 bilyong pyramiding scam. Report from Noel Alamar, Radyo Patrol 38 and ABS-CBN News Channel