Friday, December 14, 2012

Weigh-in Donaire - 121.5 lbs; Arce - 122 lbs, Kapwa pumasa


HOUSTON - All systems go na sa inaabangang bakbakan nina WBO super bantamweight champion Nonito Donaire at Mexican warrior na si Jorge Arce.


Ito'y matapos kapwa sila pumasa sa katatapos pa lamang na official weigh-in.

Sa ulat ni Bombo Pinoy Gonzales sa Bombo Radyo mula sa Houston, Texas, sinabi nito na tumimbang si Donaire ng 121.5 pounds, habang si Arce ay sarado sa 122 pounds, eksakto sa weight limit sa nasabing championship fight.

Una rito, nagpahayag ng kumpiyansa ang dalawang boksingero na kapwa mananalo sa laban bukas. Full Story at Bomboradyo