TOKYO - Nagdulot ng maliit na tsunami ang magnitude 7.3 na lindol na tumama sa northeastern Japan nitong hapon.
Ayon sa reports ng local media, naitala ang isang metrong taas ng alon sa Ishinomaki sa Miyagi Prefecture.
Batay sa US Geological Survey, ang sentro ng lindol ay nasa 245 kilometro timog-silangan ng Kamiashi at may lalim na 36 na kilometro.
Napag-alaman na ang Miyagi prefecture ay isa sa higit na sinalanta ng tsunami sa magnitude 9.0 na lindol na tumama sa Japan noong March 2011.
Una rito ay nagpalabas ng tsunami warning para sa Miyagi Prefecture ang Japan Astronomical Agency pero ayon sa Pacific Tsunami Warning Center, walang banta ng malawakang tsunami sa rehiyon.
Nagdulot naman ng panic ang malakas na pagyanig at tsunami warning.
Inilikas ang mga residente Miyagi at karatig na mga lalawigan.
Ilang minuto namang naramdaman ang malakas na pag-uga ng mga gusali sa kabisera na Tokyo.
Naging overloaded ang linya ng telepono habang binaha ng mensahe ang mga social networking sites kaugnay sa tsunami warning.
Pansamantala ring nasuspinde ang serbisyo ng bullet train dahil sa lindol.
Sa ngayon ayon sa mga opisyal, nakakatanggap sila ng reports ng minimal na pinsala dulot ng pagyanig. (CNN/BBC/Reuters)