Saturday, December 8, 2012

Phl Azkals vs Singapore Lions, nagtapos in scoreless draw 0-0


Nabigo kapwa ang Philippine football team Azkals at Singapore Lions na makagawa ng puntos sa katatapos na laban para sa AFF Suzuki Cup semifinals na ginanap sa Rizal Memorial Stadium sa lungsod ng Maynila.


Una rito, naging agresibo ang Lions sa unang yugto ng laro ngunit mabilis naman ang Azkals goalkeeper na si Eduard SacapaƱo na maharang ang lahat ng pagtatangkang maka-goal ng katunggaling koponan.

Nagsanib pwersa naman sina Phil Younghusband at Patrick Reichelt subalit hindi sila nakagawa ng inaasam na good shot.

Marami naman ang nanghinayang sa napakagandang freekick chance ni Paul Mulders lalo't halos ilang sentimetro lamang sana ay mapapasakamay na nila ang minimithing puntos.

Dahil sa tablang 0-0 points, muling maghaharap ang Azkals at Lions sa Disyembre 12, 2012 na gaganapin sa Singapore. (Bomboradyo)

Semi Final Highlights: Philippines Azkals vs Singapore Lions (1st leg) - AFF Suzuki Cup 2012