Saturday, December 29, 2012

Pacquiao-Marquez 5, Sa 2013 - Arum


Tiniyak ngayon ni Top Rank Promotions CEO Bob Arum na mangyayari ang installment number 5 ng Manny Pacquiao-Juan Manuel Marquez fight.


Ayon kay Arum, oras na bumalik si Pacquiao mula sa kaniyang bakasyon sa Israel, pag-uusapan nila ang nasabing laban.

"Manny is vacationing in Israel, but when he gets back... "We're gonna, I think, do another fight with Juan Manuel Marquez. That was a great fight," wika ni Arum.

Matatandaang, nagtala ng round 6 knockout si Marquez makaraang mapuruhan ng solidong suntok si Pacquiao na nagresulta sa pagbagsak nito. (Bomboradyo)